ON ELECTORAL AND PARLIAMENTARY STRUGGLE
I. ANG MARXISTA-LENINISTANG PAKAHULUGAN
Ang mga ideya at kahilingan para sa pulitikal na kalayaan ay umunlad sa panahon ng kapitalismo. Ito ay nag-umpisang umusbong mula sa sinapupunan ng naghihingalong lipunang pyudal. Ang pagsulong ng kalakan at komersyo at ang pag-unlad ng mga sentrong urban sa huling bahagi ng Middle Ages hanggang sa panahon ng Renaissance ay nagbigay-daan para sa pangangailangan ng mas sentralisadong kaayusan bilang reaksyon sa pagkakahati-hati at mga alitan na kaakibat ng nabubulok na sistemang pyudal na kinatatampukan ng pagkakanya-kanyang teritoryo at labanan ng mga monarkiya o kaharian. Ang papalakas na uring kapitalista na nakilala bilang burgesya ay nakipaglaban para sa pampulitikang paghahari. Ibinabandila nila ang panawagan para sa pampulitikang kalayaan mula sa pampulitikang kontrol ng simbahan, ang natitirang institusyong nagbubuklod sa naaagnas na pyudalismo.
Naganap ang mga pulitikal at rebolusyonaryong aksyon na malawakang nilahukan ng mga magsasaka (serfs/timawa) laban sa maraming mga monarkiya o kaharian sa Europa. Nagkahugis o nabuo ang representatibong demokrasya na binulag ang mga inaaping at pinagsasamantalahang masa na ang kanilang interes ay maisusulong at madadala sa gobyerno. Trinansporma ng mga monarkiya ang kanilang sarili, katulad ng sa Britaniya, papunta sa monarkiyang konstitusyonal upang mabuhay. Ang mga prinsipyo ng pagkapantay-pantay, indibidwal na kalayaan at karapatang bumoto ay ginawang simbolo ng burges-demokratikong sistema.
Ang kalayaan sa pagboto at eleksyon ay naging pangangailangan o kailangang ehersisyo kung saan ang kapangyarihan ng mamamayan na bumoto at �piliin� ang kanilang kinatawan ay dapat na nagaganap.
Gayunpaman, ang burges-demokratikong estado ay di-kailanman naging tunay na boses at paghahari ng nakakaraming mahihirap. Instrumento ito ng makauring paghahari ng burgesya. Ang mga elektibong posisyon ay mino-monopolisa kundi man kontrolado nila o ng kanilang piling kinatawan. Ang mga batas ay nalikha para proteksyunan at itaguyod ang kanilang interes. Ang pagkakapantay-pantay at indibidwal na kalayaan, kung ganoon, ay nananatiling karapatan ng mga mayayaman at prebilihiyadong uri.
Matalas na nakita ni Marx ang ganitong katotohanan mula sa karanasan ng Paris Commune, na pinagyaman pa lalo ni Lenin sa kanyang paglilinaw sa pangangailangan ng makauring proletaryadong pakikibaka para maisakatuparan ang tunay na demokrasya para sa mahihirap. Sabi niya: �Pero mula sa demokratikong kapitalista - na di-maiiwasang makipot ang saklaw at mapanlinlang na nagsasantabi sa mga mahihirap, kung kaya�t sagad-sagaring ipokrito at mapanlinlang � ang pag-unlad ay di sumusulong nang simple, direkta at maayos patungo sa �papalaki at papaunlad na demokrasya� tulad ng inilalako ng mga oportunistang peti-burgesya.�
Ang masa ay dapat na matuto mula sa kanilang sariling karanasan na kinakailangang palitan ang demokratikong burges ng tunay na demokrasya � ang paghahari ng mayorya na walang iba kundi sila mismo, ang masang nagbabanat ng buto. Tungkulin ng abanteng destakamento na bigyang edukasyon, organisahin at mobilisahin ang masa para lumaban para sa kanilang tunay na boses at interes sa pamamahala. Sa pamamagitan ng ganitong proseso, ang masa ng uring manggagawa ay nabibigyan ng rebolusyonaryong paghahanda para sa pag-agaw ng kapangyarihang pang-estado at pagtatayo ng sosyalismo.
Pinakamahalaga sa abanteng destakamento ng uring manggagawa ang matalas na pagkuha sa timpla at pakiramdam ng masa at itakda ang tamang taktika at porma ng pakikibaka na pinakamahusay na magsusulong sa kanilang rebolusyonaryong interes sa bawat sitwasyon at balanse ng pwersa. Ito ang esensya ng Marxista-Leninistang pampulitikang pamumuno. Sabi ni Lenin: �Ang kasaysayan sa kabuuan, at ang kasaysayan ng mga rebolusyon sa partikular, ay laging mas mayaman sa laman, mas naiiba, mas maraming porma, mas buhay at mapanlikha kaysa sa iniisip ng kahit na mga pinaka-abanteng makauring mag-isip na destakamento ng pinakamaunlad na uri.
May dalawang konklusyong makukuha mula rito: una, upang maisagawa ang tungkulin, ang rebolusyonaryong uri ay dapat maging dalubhasa sa lahat ng porma at aspeto ng panlipunang aktibidad nang walang pagtatangi; pangalawa, na ang rebolusyonaryong uri ay dapat handa sa mga pinakamabilis at pinaka-radikal na pagpapalit mula sa isang porma tungo sa isa pa��
Ang parliamentarismo ay isang legal na porma ng pakikibaka na tinuran ni Lenin bilang isang mababang porma ng pakikibaka na kailangan sa sitwasyong ang pwersa ng reaksyon ay malakas. Sabi niya: ��kapag talagang naroon ang kondisyon ng malala at papatinding reaksyon, kung ang mekanikal na puwersa ng reaksyong ito ay talagang pumuputol sa pakikipag-ugnayan sa masa, nagpapahirap sa malawak na gawain at nagpapahina sa partido, kung ganoon, tungkulin ng partido ang pagpapaka-dalubhasa sa parlamentaryong sandata sa pakikibaka�hindi sa dahilang mas mataas na porma ang parlamentaryong pakikibaka kaysa sa iba pang porma�ito�y dahil lang sa mas mababa ito sa kayang akitin papunta sa kilusang masa kahit ang mga armadong pwersa na magluluwal ng welgang masa at mga pag-aalsa.
Dahil habang mas malakas ang mekanikal na pwersa ng reaksyon, at habang mas mahina ang ugnayan sa masa, mas kagyat na tungkulin na ihanda ang isipan ng masa (hindi ang direktang aksyon), mas nagiging kagyat ang paggamit ng pamamaraang propaganda at ahitasyong nililikha ng lumang rehimen.�
Binigyan diin ito sa panahong mahalaga para sa RSD Democrats na gamitin ang Black Hundred Octobrist Duma para sa rebolusyonaryong propaganda para ihanda ang masa at ipreserba ang partido sa panahon na walang rebolusyonaryong krisis. Panahon ito kung saan ang rebolusyonaryo at progresibong pwersa ay nahaharap sa bagsik at lagim na pinakawalan ng gangster na Black Hundred na sumusuporta sa tsaristang gubyerno.
Dagdag pa, nuong 1920, nang ang sosyalistang rebolusyonaryong Ruso ay naipanalo na, at inilinaw ni Lenin ang teorya ng proletaryong rebolusyon, naglunsad siya ng tunggaliang pang-ideolohiya laban sa di-Marxistang taktika ng �Left-wing communists� sa pandaigdigang kilusang komunista na tumitingin sa parlamentarismo bilang repormismo.
Inilinaw niya ang pangangailangang gumamit ng parlamentaryong anyo ng pakikibaka sa mga bansang walang tunay na rebolusyong proletaryo upang isulong ang sosyalistang adhikain. Ani ni Lenin: �Walang makikipagtalo na ang hukbong hindi nagsanay sa paggamit ng lahat ng sandata, sa lahat ng paraan ng pakikidigma na alam ng kaaway ay gawaing mali, palpak o kriminal pa. Mas totoo at aplikable ito sa larangan ng pulitika kaysa sa sining gyera. Sa pulitika, mas mahirap malaman ang angkop na taktikang gagamitin sa hinaharap na papabor sa atin. Hangga�t di natin natututunan ang paggamit ng lahat ng pamamaraan sa pakikibaka, maari tayong makaranas ng grabe o kahit mapagpasyang pagkatalo. Kung ang mga pagbabago sa posisyon ng mga uri na di natin kontrolado ay nagpatampok ng porma ng labanang mahina tayo�Ang mga bagitong rebolusyonaryo ang kadalasang nag-iisip na ang mga legal na paraan ng pakikibaka ay oportunista dahil sa larangang ito, palaging nalilinlang at nauuto ng burgesya ang mga manggagawa, samantalang ang iligal na paraan ng pakikibaka ay rebolusyonaryo.
Gayunman, mali ito. Hindi mahirap maging rebolusyonaryo kung ang lahat ng tao ay sumasali sa rebolusyon dahil nadadala sila ng damdamin, dahil ito ang uso, o dahil sa mga kareristang motibo. Mas mahirap at mas malayong mahalaga�ang maging rebolusyonaryo kung ang mga kondisyon para sa direkta, hayag at tunay na pangmasa at rebolusyonaryong pakikibaka ay di pa lumilitaw; ang maging kampeon ng interes ng rebolusyon�sa mga institusyong di-rebolusyonaryo at reaksyunaryo, ang pagtatrabaho sa masa ng mamamayang di pa kayang kagyat na pahalagahan ang pangangailangan ng rebolusyonaryong pamamaraan ng pagkilos. �
Gayunman, pinag-iiba ng Leninismo ang paggamit ng legal na porma ng pakikibaka tulad ng gawaing parlamentaryo sa purong legalismo. Habang ang legalismo ay nagtuturing na ang legal na gawain ang mismong layunin, ang mga taktikang paggamit ng legal na porma ng pakikibaka ay para sa pagkamit ng mga ispisipikong rebolusyonayong layunin, na siya namang magsusulong ng rebolusyonaryong pakikibaka.
Ang parlamentarismo ay isang porma ng pakikibakang nasa kabang-yaman ng karanasan ng mga rebolusyonaryong proletaryado sa pagsusulong ng kanilang istorikal na misyong palayain ang proletaryado mula sa pagsasamantala at pang-aapi ng kapitalismo. Nangangahulugan ito ng paglahok sa mga representatibong institusyon ng gubyerno na pinaunlad ng burges-demokratikong sistemang pulitikal ng kapitalistang lipunan.
Gayunpaman, dahil sa pagkaalam sa mga panganib ng ganitong anyo ng pakikipaglaban, malinaw na itinakda ng leninismo ang parametro ng rebolusyonaryo sa paglahok sa gawaing parlamentaryo. Ang karerismo at oportunismo ang dalawang pagkakamali na dapat bantayan dahil ang gawaing ito ay maglalapit sa maraming oportunidad na magpapatingkad sa indibidwalismo at mga impluwensyang burges. Ang pagpapanalo sa pwesto ay di dapat maging tanging layunin kundi isang paraan lang upang magawa ang rebolusyonaryong gawaing pagmumulat at pag-oorganisa ng masa tungo sa sosyalismo.
�Ang mga komunista ay dapat na matutong lumikha ng bago, naiiba, di-oportunista, at di-kareristang parlamentarismo. Ang mga komunista ay dapat maglabas ng kanilang mga islogan; ang mga tunay na proletaryado, sa tulong ng mga di-organisado at inaaping maralita �ay dapat na magsalita para sa mamamayan� dapat na kahit saan ay papag-isipin ang mga tao, at himukin ang masa sa pakikibaka sa larangan at daigdig ng burgesya at gamitin ang makinaryang kanyang itinayo.�
II. ANG MGA PANGUNAHING KAMALIAN NG BULGARISADONG MAOISTANG LINYA NG LIDERATO NG CPP
1. Ang ating kasaysayan sa ilalim ng bulgarisadong Maoistang linya ng liderato ng CPP ay puno ng mga malulubhang pagkakamali sa praktikal na aplikasyon ng Marxista-Leninistang prinsipyo sa pampulitikang pamumuno. Ang paggamit ng mga porma ng pakikibaka ay nahumaling sa istratehiyang matagalang digmang bayan. Ang mga legal na porma ng pakikibaka ay hindi (nabigyang halaga) at napag-aralan batay sa kanilang kawastuhan sa kasalukuyang umiiral na balanse ng pwersa at kalagayan ng mga rebolusyonaryong pwersa. Sa halip, ang mga ito�y permanenteng tinitingnan bilang mga sekundaryong porma na dapat magsilbi sa pagsusulong ng digmang bayan na pangunahing inilulunsad sa kanayunan, habang ang armadong pakikibaka ay itinakdang pangunahing pwersa.
2. Ang gawaing parlamentaryo at ang paglahok sa eleksyon ay itinuturing na repormismo. Hindi kataka-taka kung ganuon na dahil sa ginawang paggigiit ng panrehiyong organisasyon ng partido sa MR na isulong ang sariling taktika ng paglahok sa eleksyon ng 1978 Batasang Pambansa ay pinatawan ang pamunuan nito ng matinding pang-organisasyong disiplina. Sa kabilang banda, ang engrandeng partisipasyon ng inorganisa ng partido na Partido ng Bayan nuong eleksyon ng 1987 pagkatapos ng pag-aalsang Edsa na nagpabagsak sa diktadura at nagluklok sa popular na gubyernong Aquino ay mas resulta ng kalituhan kung paano isusulong ang PPW tungo sa tagumpay. Hindi ito desisyong bunga ng seryosong pagkadiskubre/pagkaalam sa papel at halaga ng legal at parlamentaryong porma ng pakikibaka. Nagresulta ito ng kalituhan sa mga layunin at kondukta sa pagsusulong ng ganitong gawain.
3. Dahil dito, ang resulta, walang nakamit na solidong ganansya/ tagumpay para sa pagsusulong ng rebolusyon. Ang mga kakarampot na nanalo sa eleksyon ay nabigong dalhin at isulong ang interes ng inaapi at pinagsasamantalahang masa. Ang mga sumunod na pagtatangkang patibayin ang partidong elektoral nuong 1991 ay nabuhusan at nasagasaan na ng sumusulpot na debate sa linya at taktika ng Partido.
4. Sa mga kamalian at problema sa pamumuno ng CPP, ang rebolusyonaryong pwersa ay nabigong magpaunlad ng kasanayan at labas sa gawaing parliamentaryo at pakikibakang elektoral. Ang mga pagsisikap ng mga kadre at kasapi ng partido, mga alyado at kaibigan at ang mga resources na ginamit sa pagtatangkang lumahok sa gawaing parlamentaryo ay pawang nasayang.
III. ANG KASALUKUYANG KALAGAYAN AT MGA REBOLUSYONARYONG TUNGKULIN SA BANSA
Ang globalisasyon at ang namumuong pandaigdigang oposisyon sa epekto nitong malalang kahirapan at panlipunang inhustisya ay malinaw na palatandaan ng patuloy na papatinding krisis ng pandaigdigang sistemang kapitalista. Ang masa higit kailanman ay nagdurusa mula sa kapitalistang pagsasamantala at pang-aapi. Dumaranas sila ng kawalan ng trabaho, kontraktwalisasyon, pagtaas ng halaga ng pamumuhay, at kakulangan ng suporta at serbisyong panlipunan mula sa pamahalaan. Ang pagnanais ng masa para sa pagbabago upang maibsan ang kahirapan at magkaroon sila ng mahusay na pamumuhay ay higit na matindi ngayon.
Gayunman, ang mababang antas ng organisasyon at kamalayan ng masa at ng uring manggagawa na nakikita sa kawalan ng malakas at militanteng kilusang manggagawa sa bansa ay nagpapatunay ng kawalan ng tunay na rebolusyong proletaryo sa bansa. Pinakumplika pa ito ng pagkakawatak-watak ng kilusang kaliwa at ng patuloy na lantaran at potensyal na marahas na debate ng mga pwersa. Nagdudulot ito ng kahirapang magbigay ng epektibong pampulitikang pamumuno upang dalhin ang masa ng anakpawis sa rebolusyonaryong posisyon ng pagtatayo ng sosyalismo.
Malakas ang pwersa ng reaksyon habang ang iba�t ibang paksyon ng burgesya ay nananatiling nagkakaiba sa interes nilang mapanatili ang istabilidad ng naghaharing sistemang burges. Nananatiling ang paksyonal na hidwaan ay sa loob ng balangkas ng kanilang pagnanais na pangalagaan ang paghaharing burgesya laban sa rebolusyonaryong pwersa. Walang malalang krisis sa pamamahala maliban sa labanan ng mga paksyon para sa kontrol at popularidad upang iprisinta ang kanilang sarili bilang mas epektibong tagahawak ng manibela ng burges na pamahalaan.
Inililinaw ng Leninismo ang pundamental na batas ng rebolusyon ng ganito: ��. para maganap ang rebolusyon, di sapat na makita ng inaapi at pinagsasamantalahang anakpawis na imposible at di na maaring mabuhay sa dating sistema at sumigaw para sa pagbabago; upang maganap ang rebolusyon, mahalagang ang mga nagsasamantala at nang-aapi ay di na makapamuhay at makapaghari tulad ng dati. Magtatagumpay lamang ang rebolusyon kapag ang mga �mababang uri� ay ayaw nang mabuhay sa lumang sistema at ang �mataas na uri� ay di na kayang mamuno tulad ng dati. Kung ganuon, para maganap ang rebolusyon, mahalaga, una, na alam ng mayorya ng mga manggagawa na walang ibang paraan kundi ang rebolusyon, at desidido silang mamatay para rito; at pangalawa, ang mga naghaharing uri ay dumaranas ng krisis sa pamamahala na humihila kahit ng pinaka-atrasadong masa na lumalahok sa pulitika�pahinain ang gubyerno at gawing posible para sa mga rebolusyonaryo na mabilis na pabagsakin ito.
Sa panahong ito na ang mga kondisyon ng rebolusyonaryong krisis ay wala pa, kung kailan ang suhetibong kondisyon ng uring proletaryado ay di pa handang gampanan ang kanyang istorikal na misyon, at di pa hinog ang materyal na kondisyon para sa rebolusyong proletaryo, ang transisyon o partikular na pamamaraan para sa sosyalistang rebolusyon ay dapat itakda at itaguyod.
Itinakda ng RPMP ang pangangailangang isulong ang anti-imperyalista at demokratikong pakikibaka para sa sosyalismo bilang linya ng pagsulng sa transisyon sa proletaryong rebolusyon batay sa pag-aaral nito sa di-pantay na pag-unlad ng kapitalismo sa lipunang Pilipino, at sa kanyang ML na linyang pang-ideolohiya.
Batay dito, nilinaw pa lalo na isa sa mga kagyat na tungkulin sa kasalukuyang panahon ang paggamit ng parlamentaryo at elektoral na proseso upang mamulat, ma-organisa at mapakilos ang pinakamalawak na masa ng uring manggagawa sa bansa para sa kanilang tunay na interes at laban sa misrepresentasyon ng burgesya. Dapat gawin ang tungkuling ito upang mabago ang posisyon ng kapangyarihan at pribilehiyo sa pagitan ng uring manggagawa at ng burgesya tungo sa pagpupundar ng lakas ng uring manggagawa sa pamamahala.
IV. MGA PARTIKULAR NA PAMPULITIKANG LAYUNIN
Batay sa kagyat na rebolusyonaryong tungkuling itinakda sa anti-imperyalista at demokratikong programang transisyon, at sa ispisipikong direksyon ng pagsusulong ng pakikibakang parlamentaryo at elektoral, dapat isulong ng RPMP ang larangan ng gawaing ito upang makamit ang mga partikular na pampulitikang layunin:
A. Organisahin ang pinakamalawak na bilang ng manggagawa sa urban at rural, at ang mala-proletaryado upang maihayag at maitulak ang kanilang kagyat na demokratiko at pang-ekonomyang interes sa plataporma at programa ng gubyerno bilang panlaban sa anti-mahirap at maka-imperyalistang posisyon ng burges na opisyal ng gubyerno.
B. Imulat (educate) ang libu-libong masa ng proletaryado at mala-proletaryado sa pangangailangan magpaunlad ng kanilang sariling kinatawan at lakas sa mga posisyong inihahalal sa gubyerno at labanan ang pagkiling nila sa mga burges na kandidato at partido upang buuin ang tunay na boses at demokrasya ng uring anakpawis.
C. Himukin ang mga progresibong propesyunal at iba pang panggitnang pwersa sa iba�t ibang institusyon at organisasyon na suportahan ang mga inisyatiba ng naghihikahos (marginalized) na sektor upang palakasin ang kanilang tinig sa larangan ng parlamento at eleksyon tungo sa pagpapahusay ng kanilang kalagayan.
D. Enganyuhin at suportahan ang kanilang mga paglaban sa elitistang kontrol at manipulasyon sa opisinang publiko at prosesong elektoral tungo sa pagpapaunlad ng tunay-na-nakabatay sa demokrasyang tinig at interes ng mayorya.
E. Ilantad upang mapahina ang suporta at ihiwalay ang ma sagad na reaksyunaryo at anti-manggagawang plataporma/programa at mga opisyal/kandidato na gumagamit ng posisyong publiko upang isulong ang kanilang makasariling interes.
F. Paunlarin at palawakin ang mga positibong relasyon sa mga indibidwal sa mga nakatayong burges na partidong pulitikal, at ang burukrasyang magsisilbi sa pagsusulong ng iba pang layuning pulitikal.
G. Makipag-ugnayan sa internasyunal na organisasyon, partido.
H. Isulong ang ma isyu ng ma pambansang minorya
V. MGA PULITIKAL NA TUNGKULIN
Upang makamit ang mga nabanggit na layuning pulitikal, ang RPMP ay dapat na magsagawa ng mga sumusunod na praktikal na hakbangin. Ang mga ito ay dapat pang ilinaw sa mga implan at mga sesyon ng pagpapaplano sa antas ng legal at organisasyong masa.
A. Buuin ang makinarya ng isang pambansang partidong pulitikal na magsisilbi bilang pangunahing behikulo para sa implementasyon ng mga tungkuling pampartido para sa mga usaping parlamentaryo at elektoral
B. Ihanay ang lahat ng pormasyon pulitikal sa ilalim ng pamumuno ng RPMP upang aktibong mapalahok at maibuhos ang kanilang suporta sa pagpapalakas ng elektoral na partidong pulitikal.
C. Pamunuan ang mga sektoral na pormasyon ng masa upang aktibong maitakda ang kanilang elektoral at parlamentaryong agenda para sa pagpapaunlad ng kanilang mga kinatawan sa gubyerno.
D. Organisahin ang mga militanteng sosyalista para pamunuan ang ma aktibistang masa sa pagsasagawa ng gawaing pagmumulat at pag-oorganisa ng mga di-organisadong masa ng manggagawa at mala-proletaryado na susuporta sa mga progresibong kandidato at plataporma.
E. Paunlarin ang pinansyal at materyal na rekurso (resources) (kapabilidad) na kailangan para masuportahan ang makinarya at aktibidad para sa depenidong layuning parlamentaryo at elektoral.
F. Magbuo at magpaunlad ng produktibong relasyon sa mga potensyal na alyado sa mga burges na partidong pulitikal at sa burukrasya.
G. Maglimbag at mamahagi ng babasahin na maghahayag/magpapakalat ng mga progresibong plataporma/programa sa kandidato/opisyal at maglalantad sa mga kaaway ng interes ng uring manggagawa sa gubyerno.
H. Maksimisahin ang koordinasyon sa rebolusyonaryong armadong pwersa para sa kailangang tulong-militar sa mga kailangang-kailangang sitwasyon.