Information Bureau
Communist Party of the Philippines
Press Release
January 26, 2003
The Communist Party of the Philippines today claimed responsibility for the killing of NPA renegade Romulo Kintanar, saying that it was “absolutely correct to put an end to (his) rotten, criminal, counterrevolutionary and bloody record.”
In a statement, CPP spokesperson Gregorio “Ka Roger” Rosal, confirmed that a special team of the New People’s Army meted on Kintanar the death penalty on January 23, Rosal said that Kintanar had numerous criminal accountabilities to the revolutionary movement and the people.
Rosal revealed that charges had been filed against Kintanar at the people’s court as early as 1993 and that the court had issued a standing order for the NPA to arrest Kintanar and hold him accountable for his crimes. He said Kintanar was found guilty beyond reasonable doubt of masterminding and propagating gangster operations, stealing CPP funds and conniving with the AFP and PNP in counter-revolutionary and anti-CPP operations. Rosal also said that the NPA had long been ordered to arrest Kintanar and present him before the people’s court, but Kintanar had long been evading arrest and had even taken countermeasures to avoid facing his criminal and counter-revolutionary accountabilities.
Rosal cited two notorious kidnap for ransom cases in the 1980s that were reportedly the handiwork of Kintanar: the kidnapping in 1986 of Japanese businessman Noboyuki Wakaoji where Kintanar and his men earned $10 million in ransom and the abduction in 1989 of Bombo Radyo-Philippines president Roger Florete that earned them P15 million. Rosal said that Kintanar connived with fellow NPA renegade Arturo Tabara in the kidnap for ransom of Florete. Rosal also said that Kintanar was also found guilty of pocketing at least P30 million in CPP funds in 1991.
The CPP spokesperson added that Kintanar also masterminded bank holdups using NPA urban partisan operatives under his command. Rosal said one such bank holdup perpetrated in Parañaque in 1991 was foiled and resulted in the death of some of the NPA operatives dispatched by Kintanar.
Rosal also said that Kintanar was also involved with criminal syndicate operations and bureaucratic corruption for personal aggrandizement, and served as gun-for-hire to reactionary politicians and others who wanted to commission killings, including that of actress Nida Blanca.
Rosal said Philip Medel, the main suspect in the Blanca slaying, was just one of the hired killers maintained and handled by Kintanar and his uncle, former ISAFP chief Gen. Galileo Kintanar.
Rosal also said that Kintanar is being held accountable for the failed assassination project against Jose Ma. Sison in May 2000. The CPP spokesperson said that Kintanar himself headed the group that was to implement the project. The group organized by Kintanar actually went to the Netherlands to implement their plan but had to return because of difficulties they met and squabbles within the group.
Rosal added that Kintanar had also been conniving with the military and police in planning and implementing surveillance operations, psy-ops and sabotage operations and attacking and attempting to destroy NPA units and guerrilla zones.
Rosal recounted that Kintanar’s criminal activities first gained momentum in Davao City in the 1980s and were later replicated and magnified on the national scale. According to Rosal, Kintanar “went full throttle with his criminal and counter-revolutionary activities” after he was expelled from the CPP.
Rosal clarified that Kintanar’s gangsterism violated CPP policies and rules and was perpetrated without the CPP leadership’s knowledge and consent.
Rosal likewise stressed that Kintanar was meted punishment solely for his actual criminal and counter-revolutionary acts and not for his ideological, political and organizational differences with the CPP leadership nor for his leaving the Party and revolutionary movement.
Related to this, Rosal called a “monstrous lie” Malacañang’s claim that there is an NPA hit list that includes Presidential chief of staff Rigoberto Tiglao.
Pahayag ni Gregorio “Ka Roger” Rosal
Tagapagsalita
Partido Komunista ng Pilipinas
Enero 26, 2003
Patung-patong ang mga kriminal na pananagutan ni Romulo Kintanar laban sa rebolusyonaryong kilusan at mamamayan.
Nagsimulang lumarga nang husto ang mga kriminal na aktibidad ni Kintanar noong 1984 sa Davao, lalong lumala noong huling bahagi ng dekada 1980 at pinag-ibayo pa niya nang itiwalag siya sa Partido noong 1992 at lubos na sumanib sa mga kriminal na sindikato sa loob at labas ng militar. Lubos na karapat-dapat na wakasan ang kanyang bulok, kriminal,kontra-rebolusyonaryo at madugong rekord.
Siya ay sinampahan ng mabibigat na paratang na kriminal sa hukumang bayan noong 1993, walang dudang napatunayang maysala at hinatulan ng hukumang bayan ng pinakamabigat na parusa.
Matagal nang may kautusan sa BHB na arestuhin siya’t iharap sa hukumang bayan. Subalit matagal na siyang palaging tumatalilis at gumagawa pa ng mga kontrang hakbangin upang umiwas na harapin ang kanyang mga kriminal na responsibilidad. Ang paggawad ng parusa sa kanya ay matagumpay na isinagawa noong Enero 23, 2003 ng isang espesyal na yunit ng Bagong Hukbong Bayan. Bahagi ito ng matatag na determinasyon ng Partido at BHB na papanagutin sa rebolusyonaryong hustisya ang mga may pinakamalalaking krimen laban sa rebolusyon at bayan, kahit ang sangkot ay mga kasalukuyan o dating pinuno ng Partido at BHB, o di kaya’y malalaking reaksyunaryong masalapi o makapangyarihan.
Ang pagpataw ng BHB ng pinakamabigat na parusa ay inirereserba lamang sa mga taong walang dudang napatunayang gumawa ng mga karumal-dumal na krimen. Kabilang dito si Kintanar. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa pinakamalalaking kriminal na pananagutan niya kahit noong nagpapanggap pa siya sa loob ng Partido at Bagong Hukbong Bayan at humigit pa mula nang naging tahasan na ang pagtataksil niya sa rebolusyonaryong kilusan:
1) Iligal na pang-aabuso ng kanyang awtoridad sa loob ng Partido at hukbong bayan sa pagpapasimuno, paglulunsad at pagpapalaganap ng mga operasyong gangster. Ang mga binuo o pinamunuan niyang grupo para sa “ispesyal na operasyon” ang siyang nagsakatuparan ng mga kidnapping for ransom, mga holdup sa mga bangko at iba pang negosyo, pamemeke ng dolyar at iba pang anyo ng krimen at katiwalian. Ginamit niya ang mga kulimbat mula sa mga ito para sa personal na pagpapasasa at marangya at bulok na pamumuhay nilang magkakasapakat.
Hinigop niya sa korapsyon at kabulukan ang mga yunit ng partisanong lunsod na pinamumunuan niya. Nagrekrut din siya ng mga latak ng lipunan at nakipagsabwatan sa mga kriminal na sindikato, mga pwersang militar at pulis, at mga bulok na elementong sa k alauna’y kasa-kasama niyang nagtraydor at itinawalag sa Partido at BHB. Ilan sa mga ginamit niyang operatiba ang napatay sa isang tangkang bank holdup sa Parañaque bago siya nahuli noong 1991.
Ang ganitong mga operasyon ay unang ihinasik niya sa Davao City hanggang naging “killing capital” ito noong maagang bahagi ng dekada 1980. Lalo pa niya itong pinalaki at dinala sa pambansang saklaw. Mula 1989 hanggang noong mahuli siya noong 1991, ang yunit sa espesyal na operasyon na kanyang tuwirang pinamunuan ay walang ibang inatupag kundi mga kriminal na operasyong gangster. Mula sa mga ito, kumita sila ng milyun-milyong piso, na inilihim nila sa Partido at sinarili. Ang kriminal na gang ni Kintanar ang responsable sa mga pinakamalaking kaso ng pangingidnap noong dekada 1980. Sila ang responsable sa pagkidnap sa negosyanteng Hapon na si Noboyuki Wakaoji noong 1986 kung saan $10 milyon ang ransom na nakuha nila. Noong 1989, kasabwat ang kalihim ng Visayas Commission ng PKP noon na si Arturo Tabara, pinamunuan din ni Kintanar ang pagkidnap sa Iloilo City kay Roger Florete, may-ari at presidente ng Bombo Radyo-Philippines. Nakakuha sila rito ng P15 milyon.
Ang ganitong mga kriminal na aktibidad ni Kintanar ay walang awtorisasyon ng sentral na namumunong organo ng Partido. Malinaw kay Kintanar at sa mga kasabwat niya na ang mga ganitong aktibidad ay labag sa mga patakaran at tuntunin ng Partido at BHB kaya’t sadyang inilihim nila ang mga ito. Pagkatapos makalaya noong 1992, kinasangkapan niya ang dating katungkulan at inatasan ang isang grupo ng mga dati niyang tauhan upang magpatuloy sa gawaing gangster nang walang anumang awtorisasyon sa Partido at BHB at sa kabila ng kampanya ng sentral na namumunong organo laban sa gangsterismo.
2) Malaking kaso ng pagnanakaw sa loob ng Partido. Tuwirang nagnakaw si Kintanar ng malalaking halaga mula sa pondo ng rebolusyonaryong kilusan. Isa sa pinakamatingkad rito ang natuklasan noong 1991, kung saan personal niyang kinuha at itinago ang P30 milyon nang tanging siya ang nakaaalam kung saan. Ang impormasyon hinggil dito ay nalaman lamang ng sentro ng Partido nang tuwiran itong iulat ng pinamumunuan niyang yunit pagkaraang maaresto siya noong Agosto 1991. Bukod rito, may iba pang malalaking halagang hindi niya ipinailalim sa kolektibong superbisyon, walang malinaw na pagtutuos at itinangging ipasiyasat. Bago naging tahasan ang pagtataksil niya sa Partido, nilimas din niya ang lahat ng account na alam niyang pinagtataguan ng mga pondo ng Partido.
3) Tangkang panghahati at pangwawasak sa Partido at rebolusyonaryong kilusan. Si Kintanar ay isa sa mga pinakamasugid na nagpasimuno ng pagpapaksyon noong una at tangkang tahasang pangwawasak na sa Partido at rebolusyonaryong kilusan sa kalaunan. Inangkin niya ang awtoridad para itulak ang todong kampanyang anti-Partido mula Setyembre 1992. Nilinlang at binuyo niya para umalsa at humiwalay ang ilang kadre at kasapi ng Partido at ilang kumander, mandirigma at yunit ng BHB. Inayunan at inengganyo niya ang paghihiwalay sa Partido at pagbubuo ng RPA noon nina Filemon Lagman at Arturo Tabara. Wala siya sa pormal na pamunuan ng RPA, ngunit nagsisilbi siyang tagapayo nina Tabara at Carapali Lualhati sa mga patakaran ng RPA, hanggang sa humantong ito sa kanilang pormal na pagsurender sa gubyerno at tahasang pakikipagtulungan sa mga operasyong militar laban sa rebolusyonaryong kilusan.
4) Mula nang itiwalag sa Partido, lalong bumwelo si Kintanar sa mga gawaing kriminal at kontra rebolusyonaryo. Nakipagsabwatan siya sa AFP at PNP laban sa Partido at rebolusyonaryong kilusan at nalulong sa mga operasyon ng mga kriminal na sindikato, nasangkot sa korapsyon sa burukrasya, nagsilbing gun-for-hire para sa mga reaksyunaryong pulitiko at iba pang may mga nais ipapatay. Ginamit niya ang dating katayuan at kaalamang panloob sa rebolusyonaryong kilusan para sumuporta sa operasyong “counter-insurgency” ng gubyerno. Nagsilbi siyang security consultant ni Gen. Alexander Aguirre na national security adviser ni Estrada. Bago siya naparusahan, ang totoong trabaho niya-ayon din mismo sa isang mataas na upisyal ng Malakanyang-ay consultant ng AFP at PNP, pero para sa sweldo at prente niya, pinalalabas siyang security consultant sa Bureau of Immigration and Deportation at sa National Electrification Administration. Tuwirang nakipagsabwatan siya sa ISAFP sa ilalim ni Col. Victor Corpus sa pagbabalak at pagpapatupad ng mga operasyong paniktik at k ampanya ng psy-ops, pananabotahe, pananalakay at tangkang pangwawasak sa mga yunit at sonang gerilya ng BHB.
Si Kintanar mismo ang siyang project officer ng isang grupo na binuo noong Mayo 2000 at ipinadala sa The Netherlands upang magsakatuparan ng asasinasyon kay Kasamang Jose Maria Sison. Pero nahirapan, nagkagulo at napilitang bumalik ang grupo. Patunay ito kung hanggang saan tumungo si Kintanar sa pakikipagsabwatan sa kanyang mga kadikit na upisyal militar at mga burukrata para sa marahas na paglaban sa rebolusyon. Maging si Philip Medel ay isa sa mga bayarang mamamatay-tao na nasa pangangalaga ni Kintanar at ng tiyuhin niyang si dating ISAFP Chief Gen. Galileo Kintanar. Nagmamantine silang iba’t ibang mga safehouse para sa mga kriminal na kipag-transaksyon kina Medel at iba pa nilang gun-for-hire. Pinalalabas na lamang ni Romulo Kintanar na nangumpisal si Medel sa kanya kaugnay ng pagpatay kay Nida Blanca.
Lubus-lubos na ang pakikipagsabwatan ni Kintanar sa militar at pulis kung kaya’t hindi kataka-takang tinatrato siyang VIP ng AFP at PNP. Katunayan, naging special guest pa si Kintanar nina PNP Director General Hermogenes Ebdane Jr. bukod kay Arturo Tabara ng RPA-ABB nitong huling anibersaryo ng National Capital Region Police Office. Bagamat may kaugnayan sa mga kasong kriminal niya, pinag-iiba pa natin ang pagdadala niya ng anti-Partido kontra-rebolusyonaryong linya sa mga usapin sa ideolohiya, pulitika, organisasyon at militar. Kabilang siya sa mga nagpasimuno sa linya ng adbenturismong militar, wala-sa-panahong insureksyunismong lunsod at iba pang seryosong kamaliang nagdulot ng malalaking pinsala sa Partido at rebolusyonaryong kilusan. Kasangkot din siya sa pagbalangkas at pagpapatupad ng desisyong nagpasimula ng pag-aresto, tortyur at pagpatay sa mga pinagsususpetsahang deep penetration agent (DPA) sa Mindanao noong 1984. Ito ang lumikha ng klima at moda ng sumunod na Kampanyang Ahos. Nakipagsabwatan siya sa iba pang elemento sa paglilingid sa ika-9 Plenum ng Komite Sentral noong 1985 ng impormasyon tungkol sa rumaragasa nang madugong witchhunt at malulubhang pinsalang idinudulot nito kung kaya’t hindi ito agad nasugpo at naiwasto ng sentro ng Partido. Sa kabila ng pagkakaroon niya ng mayor na pananagutan sa malalaking kamaliang nagdulot ng mabibigat na kabiguan at pag-atras ng Partido, BHB at rebolusyonaryong kilusan, at sa kabila ng hindi niya patanggap ng responsibilidad dito, hindi lamang niya nilisan ang kilusan, bagkus nagpatuloy siya sa paggigiit ng mga kamalian at sa pagtataksil at paglaban sa Partido at sa rebolusyon. Upang ituwid ang pambabaluktot ng Malakanyang at militar, nais kong idiin na ang pinakamabigat na parusa ay inirereserba lamang ng rebolusyonaryong kilusan sa mga taong walang-dudang napatunayang may mabibigat at karumal-dumal na krimen laban sa mamamayan at rebolusyonaryong kilusan katulad ng di makatarungang pagpatay at pagsasagawa ng kidnap for ransom. Nais ko ring ilinaw na hindi itinuturing na krimen na pinarurusahan ng kamatayan ang pagbibitiw sa Partido o paglabas sa rebolusyonaryong kilusan, o ang simpleng pagdadala ng maling linya o ang pagsasalita laban sa Partido. Boluntaryo ang pagpasok sa Partido, BHB at rebolusyonaryong kilusan at malaya ring lumabas ang sinumang hindi na umaayon dito o hindi na kayang magpatupad ng mga gawain o magbalikat ng mga sakripisyong kaakibat ng pagrerebolusyon. Ang maling linya ay iwinawasto sa pamamagitan ng kampanyang pag-aaral. Ang mga atake sa pulitika at propaganda ay nilalabanan sa larangan din ng pulitika at propaganda at hindi idinaraan sa dahas. Kaugnay nito, isang malaking kasinungalingan ang sinasabi ng Malakanyang na may listahan ng diumano’y mga “target” ng BHB kabilang si Presidential Chief-of-Staff Rigoberto Tiglao.
Sa katunayan, ang mga usapin sa ideolohiya, pulitika at organisasyon ng Partido at rebolusyonaryong kilusan ay nalutas na sa kalakhan sa pamamagitan ng matagumpay na pagtatakwil at pagwawasto ng Partido at BHB sa mga militarista at insureksyunistang linyang ikinalat ni Kintanar, gayundin sa paglabas niya sa Partido at BHB noong 1992 upang todong mangampanya sa labas ng kilusan laban sa BHB at rebolusyon. Ang mga tagumpay ng rebolusyonaryong kilusan sa armadong pakikibaka, pakikipag-isang prente, pagbubuo ng baseng masa at pagsusulong ng mga pakikibakang masa laluna nitong huling tatlong taon ang nagpapatunay sa tagumpay ng kilusang pagwawastong inilunsad ng Partido mula 1992 hanggang 1998.
Pinatawan ng parusang kamatayan si Kintanar hindi dahil sa pagdadala niya ng maling linyang pang-ideolohiya, pampulitika at pang-organisasyon kundi dahil sa kanyang mabibigat na pananagutang kriminal sa rebolusyonaryong kilusan at sa sambayanan. Kaya kakatwa ang pinalalabas ngayon ni Macapagal-Arroyo, ng AFP, PNP at mga kasabwat ni Kintanar at kapwa niyang mga taksil at kriminal, na siya ay isang “good citizen” at nagtataguyod ng kapayapaan. Isang bagay ang magsasalita na lamang tungkol sa pangangailangan ng kapayapaan. Iba pang bagay ang aktwal na pagsangkot sa gawaing kontra-rebolusyon at paglulunsad ng mga armadong proyekto laban sa rebolusyonaryong kilusan at mga personahe nito. Hindi maaaring mangyari na ang isang may napakalalim na pagkakasangkot sa mga kriminal na sindikato, kampanyang kontra-rebolusyonaryo at anti-mamamayan ng militar at operasyong gun-for-hire ay mabuting tao at naghahangad ng tunay na kapayapaan at katarungan para sa sambayanan.###